Ang Poblacion Locale Choir (part 1)
Mar 21 2007 Wednesday
Ang misteryong bumabalot...
Happy new year po ayon sa kalendaryong gamit sa Bibliya!
Ito po ang history ng Batch 4 ng Poblacion Locale Choir:
Nagpasimula ang ito sa lokal ng Landayan San Pedro Laguna.
Dumami ang mga kapatid doon kaya't nagtayo ulit ng bagong lokal sa Poblacion San Pedro Laguna. Marami sa mga unang batch ay nasa District at Division Choir at pagkamanggagawa. Sa ngayon, kami na ang batch 4 ng Poblacion Local Choir.
Sino-sino ba yang batch 4 na yan!?
Kasama ng mga Kabataang Choir ang Women's Choir na binubuo nila:
Sis Weng... Ang Soprano 1 na ayaw mag-alto!
Sis Malou... The pioneer soprano
Sis Tina... Alto pero pagna-paos parang bass
Sis Lyn... Ang Buntis, bow!

Mga womens: start from 3rd from left Sis Lyn, Sis Tina, Sis Malou at si Sis Weng Nawawala dito. Nasa baba ng page, umaawit.
Note: Yung lalaki sa una, men's choir na pala siya... este, mentor na pala siya ngayon ng men's choir. Yung nasa dulo namang babae, womens' choir... mentor ng poblacion. Yung pangalawa naman from left, Sis Mylene, ang dakilang alto ng Poblacion. Read more later...
<Drum rolling effect...>
At siyempre, ang mga kabataan...
1. Jyn... Ang conductor!!!
Stolen shot po kasi kaya
ganyan...
Hindi man siya ang napakagaling na conductor, inaasahang gagawin ang tungkulin sa pananampalataya. Di ba? Pero siyempre sa tulong at awa niyang nasa taas...
2. Benzon... Tenor?
Walang picture...
Si Benzon nga po pala ang aming presidente.
3. Mylene... Ang ate ng KKTK at alto ever since!
Wala ring picture.
Hanapin niyo na
lang siya sa taas
at baba.
Napakarami nang batch na dumaan at eto pa rin 'tong altong ito! Nakatindig pa rin at umaaawit bilang Poblacion Local Choir. Saan ka nakakita ng ganyan?
4. Miko... Balutin sa hiwaga ng Tenor!

Di ba? Parang nag-boo-
Boom tarat tarat lang!?
Marami nang pinagdaanan ang taong ito. Pero sa huli, sa local choir pa rin siya nararapat. Sabihin man niyang National o Division na siya, sa puso ng taong ito, Local choir pa rin yan. Wag mo sana kaming ipagkakanulo. Joke!
Basta saan man siya mapunta o ano man ang ambisyon niya, isa lang naman ang patutunguhan niya. Ako man ay paroroon...
5. Zyrielle... Oist! Ayaw mag-alto kaya nag-soprano!
Magpabautismo
ka na nga!
Itong si Zyrielle ang pinakabata sa amin sa edad. lagi na lang siyang nasa school. Oist magbago ka nga!
Hehehe joke lang...
6. Joyce... Ang Sopranong S1!
Parang daughter ng
Adam's Family. Joke...
Oops... Hindi matitisurin
ang choir! Hehehe...
Hayy naku! Mag-falsetto ka nga!
Okay umawit si Joyce pero more practice para mag-improve. Manatili lang sana tayong lahat sa pananampalataya, pagasa at pagibig na ayon kay Kristo.
7. Fernando... Trainee na Bass!
Wala pang picture
Sana maregular ka na
agad para pwede ka
nang umawit. Di ba?
Mag-aral ka nga ng mag-aral umawit para maregular ka na! Para sama-sama na tayo sa pag-awit. Good Luck!
Oops teka... maestro!
<Drum rolling effect, ulit...>
At siyempre ang mentor!!!
<Drum rolling effect, pa rin...>
At siyempre ang mentor!!!
Mula sa Republika ng Tenor ng District 1
<Bayang magiliw, perlas ng silanganan...>
Si Robert Asturias!

O di ba masaya siya?
MORE PHOTOS:
Pasalamat ng bayan now playing...
Left to right: Miko, Cros, Mylene,
Joyce, Sis Weng, at Epal
...Ayun pala si Sis Weng,
umaawit.
Himnario naman.
Ulo ba ni Sis Atchie yan?

Nasa gitna na ang misteryoso at
mahiwagang ulo! Sino ba
photographer nyan?
Ikaw ba George!?
KUNG MAY BATCH 4 DAPAT MAY BATCH 3 DI BA?

To be continued...