untitled

Kay JYN 'to...

Author's Note:
Click to know more about me.
Thanks a lot for your time visiting my website. Enjoy reading my blogs and touring my links. Feel free to sign in my guestbook to leave a message or comment. I would gladly hear something from you by leaving your words in the bulletin board ( right side -> of this page). You can also e-mail me at

jynsnmig@yahoo.com

Thanks again.

 

MY LINKS:

HOME PAGE
SIGN IN
PHOTO ALBUM
POD
FRIENDSTER
KARAOKE
PEOPLE
MULTIMEDIA
GAMES
BLOGS
FORUMS
WHO?
GUESTBOOK
CONTACT
HELP

 

I see you through the eyes of love.
Sa Kabila ng Tagumpay ng ATAG
March 17 2007 Saturday

Heto ako...

Okay lang sa 'kin kahit hindi ko man lang nalasap ang tagumpay sa entablado na katatapos lang na palabas ng Teatro.

Siya nga pala ang ATAG ay ACLC Theatre Actor's Guild

Theatre Club ng ACLC, San Pedro Laguna kung saan ako nagaral.

AMA Computer Learning Center San Pedro Laguna Philippines!

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko tungkol sa kabilang banda ng tagumpay ng ATAG. Pinagpapauna ko na po, maraming sensitibong bagay ang aking mababanggit at tanging ang may mga taong may malalim na unawa lamang ang inaasahang bumasa dito.
Go go go Joseph!
Ang PLAY sa PACITA ASTRODOME...

JOESPH the DREAMER




If you feel you are not willing to read this sensitive article, you may go back to the home page.

Pinagpapauna ko na rin po ang paghingi ko ng patawad at pasyensya sa mga matatamaan, kung meron man...

Simula ng makilala ko ang katotohanan, natuto akong umibig at aking inibig ang musika. Ito marahil ang aking paraan upang maglingkod sa kanya sa aking kaliitan. Ginusto kong maging miyembro ng music ministry.

Kahit ako'y naghihirap, alam kong kasama ito sa aking tiisin sa mundong ito. Kaya naman lagi akong nakangiti kahit sa munting paraan ay mapawi ang lumbay ko sa buhay. Sa bawat sandali, laging musika ang nasa isip ko.

Kaya kahit kumplikado sa oras kong puro practice ng choir at banda, sumali ako sa ATAG. Magkakaroon kasi ng musical play, Joseph the Dreamer.



Si Sir Billy and Director, si Gilson ang sa Choreography, at ako ang napiling Musical Director, since alam ng marami ay may alam ako sa music, kahit papaano...

Ttinuruan ko sila ng basic ng pagkanta. Mas pasaway man ang mga kasama kong ka-choir, iba ang aura kapag tinuturuan ko sila. Iba talaga kapag lingkod niya ang pinagsisilbihan mo. Minsan nga nagsisisi ako dahil mas nabibigyan ko pa ng atensyon ang ATAG kaysa sa sariling kasama.



Mga absent akong practice sa
Poblacion_Locale_Choir dahil sa practices ng play. Pero bumabawi naman ako sa mga ka-choir pero di ko na ilalagay dito kung papaano ko ginagawa iyon.

Pero dumating pa rin ang time na di ko na mabalanse ang oraw ko. Sa kabutihang palad, mas matimbang pa rin para sa akin ang ministeryo ng musikang tinanggap ko. Inaamin ko na ako ang pinakawalang kwentang choir member sa amin pero tiwala ako na higit sa technical ng boses nakukuha ang pagawit kundi sa pananampalataya.



Ewan ko nga ba kung bakit ako ang inilagay na bagong conductor sa choir namin. Sino ba naman ako? Pero, gagawin ko pa rin ang tungkulin ini-atang sa akin. Hindi naman ako ang pumili ng tungkuling ito kundi nabigay sa akin. Pero okay na rin... Wala akong maituturong kasing-galing ng sa mga naunang namuno sa amin. Pero ito ang natutuhan ko at uulitin ko na hindi nakukuha sa technicality ang choir, wala sa pagalingan ng boses, nasa pananampalataya yan. Pero dapat mo pa ring alamin at gawin ang part bilang choir member.

Mahirap maging choir, lalo na kung may mga isasabay kang mga bagay-bagay. Dapat alam mo ang priority mo. Tulad nga ng pagsali ko sa ATAG, madalas a-absent na lang ako sa practice at di na magpapaalam kasi hiyang-hiya na ako dahil wala na akong "alibay". Pag sinabi ko kasing choir... baka isipin, choir na naman! Ang choir kasi ay nabubuhay sa practice.

Hanggang sa dumating yung point na sila na rin ang nagtanggal sa akin at mag-qui-quit na rin talaga ako. Pero sabi ni Sir Billy, ako pa rin daw ang Musical Director. Plano ko sana mag-li-live piano ako sa play, kaso na-isip ko na bakit mas i-pri-priority ko ito imbes na pag-aralan ko na lang tugtugin ang mga himnario o tanging awit ng mga choir. Sorry po kung masyadong mabigat pero yun ang totoo.

March 17 2007, araw ng play sa Pacita Astrodome 6:00pm ang start...

5:00 pm Practice ng mga Choir
Magulo ang practice at mas na-realize kong marami akong dapat ayusin sa choir.

5:30 pm Start na ng awitan
Hindi ako naka awit kasi walang mag-o-operate ng CD. Then late, nag-start na ang paksa para sa worhip. Napakaganda ng aral na napakinggan ko.

5:30 pm Humabol ako sa play
Baka sakaling may abutan pa ako at meron nga. Naabutan ko ang kalahati. Wala akong masabi sa ganda ng presentation ng ATAG na kahit sa papaanong paraan ay ganon pa rin ang outcome ng Play. Natapos ang palabas at tinawag ang mga casts. Wala ako expectedly dahil wala naman talaga akong na-itulong.

Umalis na kami (kasama ang mga classmates). At sa labas, tinawagan ko sila (mga casts) upang i-congratulate sila. Akala nila di ako nanood, pero sinabi ko nanood ako. Nakausap ko nga si Ma'am Princess, sabi 'bat di daw ako umakyat sa stage. Sabi ko, okay lang yun (at yun ay totoo).

Okay lang sa 'kin kahit hindi ko man lang nalasap ang tagumpay sa entablado na katatapos lang na palabas ng Teatro.

Ang mahalaga, hindi ko nawaglit nang tuluyan ang tungkulin ko sa kanya. Hindi man ako naging maningning na bituin nung gabing iyon, sigurado ko na isang araw, pagdating ng panginoon, itataas niya ako. Siya ang magbibigay sa akin ng kislap ng hindi na kukupas magpakailan man.

Tiwala lang ako ng higit sa sinabi...

"Sapagka't ang bawat nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas."

Lucas 14:11

Patawad po sa mga tila nasaktan ko dahil hindi ko po sinasadya ito. Kung mahirap man intindihin, pagpasensyahan niyo na po ulit ako. Di masabi lahat sa salita pero unawa na lang ang importante. Para tapusin ang mga agam-agam, sa kabila ng tagumpay ng ATAG, pag-asa ko'y buhay pa rin.

<BACK>

 

INSTANT MESSAGE
BULLETIN BOARD


Full Name Here  

Message or Comment

smiley button

GUEST BOOK SIGN IN

© Copyright 2007 Kay Jyn 'to! TM http://jynjyn.co.nr(R)
All are under the original idea and interest of Jyn. Any such act of violation is prohibited.
For more information, please e-mail me at jynsnmig@yahoo.com. All Rights Reserved© : )

Not yet available HOME PAGE Read my Blogs Is that jyn you're talking about?add me in your friends' list... Sign in my guestbook. Join the forums in the guestbook.
Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com